Friday, October 28, 2005

Pent-Up

Abala kami ni Pareng Russ (nice-sounding huh?) sa pag-oorganize ng outing para sa klase namin nung 4th year HS. Sinimulan ni Belong, umaariba na kami sa paghahanap ng venue, pagtatawag sa mga sasama, pag-aassign ng mga gawain (hal. paghahanda ng food), at panggugulo sa isip ng lahat. Oo, nanggugulo. Dahil imbes na maging organizing committee e kami pa ang nagtatalu-talo: overnight ba ito? O isang buong araw lang? Wag na kayang ituloy?
(Read: Group Shift- pangyayari kung saan nababago ang isip ng lahat ng kasangkot dahil lang sa sinasabi ng isang miyembro.)
Para mapanatili ang peace and order sa magaganap na outing, nire-require ang participants ng Certificate of Address galing sa Barangay, NBI Clearance, at waiver na may lagda ng magulang. Napakasayang gawain ano po?
***
Pansinin ang pagkakaiba ng balita sa dalawang magkatunggaling network:
ABS: Rudy Fernandez, nanapak ng dating matinee idol.
GMA: Rudy Fernandez, nanapak daw ng dating matinee idol.
***
(halaw sa totoong buhay)
Tao 1: Umiinom ba kayo ni kumpare?
Tao 2: Hindi! Clean person kami.
Tao 1: Sayang. Ang dami kasi naming alak sa bahay, bibigyan sana kita.
Tao 1: Penge!
***
Sa isang kainan, nabasa ko sa menu ang ganire: Bopis-50 pesos. Good for 3-4 person. Ito ang tanong ko: How much per heads?

Tuesday, October 11, 2005

Welcome Rotonda


"Come in today for special savings on all patio furniture, lighting fixtures, doorbells, and buzzers including big discounts on hammers, saws, shovels, rakes, and power tools, plus super savings on everything you need to keep your garden green and beautiful." Ito ang kailangang sabihin within 15 seconds dun sa Voice Acting Workshop na pinasukan ni blog partner. Try n'yo rin at your own risk. Well, nakaya ko naman siya within 11 seconds. The question is, malinaw ba naman?

Bago ako magpatuloy sa mga kalokohan at pakulo, pag-usapan muna natin ang pagsisimula ng blog na ito. Hopefully, kilala n'yo na 'ko dahil sa sarili kong blog na tinangkilik n'yo noon pa (feeling masyado ano po?). Dito, from time to time, ay magbabago ang blog title. Dalawa kaming may kalayaang pumasok dito, magpost, mag-edit, magpasabog, etc. Pero wish ko lang, wag alisin ni Rus ang aking freedom of speech dahil pag nagkataon, masasabotahe ang entries niya! 'Di ba Rusell? Tingin ko kailangan nating mag-establish ng guidelines for a joint blog. 'Yung tipong...Rule #1, Pwede lang i-edit ang sariling post pero hindi ang sa kabiyak. Rule #2, Bawal hadlangan ang mga plano ng isa't isa. Your freedom ends where the other's rights begin. And so on...

Maglalagay kami ng tagboard para sa aming interaction at siyempre, para sa inyong mga giliw naming mambabasa (feeling talaga). Pupurihin namin ang mga sarili dahil magaling ang conceptualization ng joint blog na ito. Baka pagdudahan n'yo ang kabanalan ng URL which is kantiko.blogspot.com. Bunga kasi ito ng frustration namin sa publication ng literary folio noong high school. Canticle ang pamagat nun, at naka-isa lang kami dahil sa diumano'y kakulangan sa pondo. Ngayong nasa kolehiyo na kami, ipa-publish na lang namin dito ang ilang mga tula at articles na dapat sana'y nailathala dati pa. Pangangasiwaan 'yan ni kaibigang Rus. Pare, sana weekly kahit busy tayo sa kanya-kanyang buhay. At kung pwede lang, 'wag kang nang-iiwan sa ere. Mag-post ka.

Kahit tumanda na kami, at may kanya-kanya nang asawa, nawa'y magpatuloy ang buhay ng blog na ito.At kayo, bisita lang lagi pero 'wag kaligtaan ang merrywanna.blogspot.com. Obserbahan n'yo na lang kung mas lumalala ba 'ko 'pag kasama si Rusell. 'Yun kasi ang layunin nitong ginagawa namin, ang palalain ang isa't isa.