Saturday, November 26, 2005

Job Fair?


Ang abilidad nga naman ng Pinoy, kahanga-hanga. Napaka-malikhain natin pagdating sa pag-iisip ng mapagkakakitaan! Aba'y maglibot ka lamang sa Cubao at hindi pa sapat ang pagkamangha mo sa isang mall na siguro ay tindahan ng mga pataba sa lupa, palay, at pestisidyo... ang Farmer's Plaza.

Maglibot ka pa at matatanaw ang karatulang nagsasabing "Money Changer." Marahil, dadalhin mo rito ang iyong pera at BABAGUHIN niya. Gagawing peke? Hindi bale, may hardware naman sa 'di kalayuan. Nagbebenta sila ng money detector... madi-detect nito kung marami bang pera ang isang tao.

Kung napapagod ka na sa pagtahak ng lansangan, magtungo sa Foot Massage parlor. Marami kang pagpipiliang mga paa. Ang mga ito mismo ang magmamasahe sa iyo.

Friday, November 11, 2005

Tuwing Nagdudumi At Kapiling Ka

Babala: Mga Salitang Hindi Magandang Pakinggan

Pagmasdan ang ebak
unti-unting pumapatak
sa mga halama't mga bulaklak
pagmasdan ang dilim
unti-unting bumabalot
sa buong paligid tuwing nagbabawas.

Kasabay ng ebak bumubuhos ang
'yong ihi
kasabay ng hanging kumakanta
Maari bang huwag ka nang sa toilet ko'y
lumisan pa
hanggang ang tae'y tumila na?

Buhos na ebak aking mundo'y
lunuring tuluyan
tulad ng pag-agos mo 'di mapipigil
ang anus kong nagliliyab
inidoro ko'y umaapaw
ang aking tiyan, humihiyaw sa tuwa
tuwing dumudumi at kapiling ka.
***
Matapos ng modified song para sa may LBM o constipation, narito naman ang kulitan namin sa telepono kagabi (may not contain the exact words).
Rus: 'Wag ka na mag-PE 1. Kunin mo na lang ang slot ko sa Line Dance.
MJ: Ayoko nang mag-change mat! Isa pa, hindi rin maganda ang Line Dance noh!
Rus: Bahala ka. Alalahanin mo, 7am ang pasok mo. Ayoko talaga sa mga stubborn... pinapahirapan mo sarili mo.
MJ: Stubborn? Stab kita dyan eh! Masarap kaya magbyahe sa umaga! Fresh air. Less traffic. Isa pa, ano bang gagawin sa Line Dance?
Rus: Hahawakan lang 'Yung bewang mo. Tapos na!
MJ: A basta. Gusto kong higit na maunawaan ang paggana ng katawan ko kaya sa lecture na lang.
Rus: Ano ba yan?! Ang pangit naman. Sa archery, marami pang slots!
MJ: Aanhin ko naman 'yun? Wala akong pana sa bahay.
Rus: Sus! Hindi naman kailangang may pana ka noh! Eye and hand coordination ang tini-train dun!

Thursday, November 03, 2005

Katuwaan


Kanina, tinawagan ako ni Rus para mag-survey on virgin coconut oil. Rank the following sa pagpili ng pagkain:
_2_ high content of certain vitamins / minerals
_3_wide range of vitamins / benefits
_4_ weight loss benefits
_1_ beauty and skin care benefits
_5_ boost the immune system and help prevent illness
Read: Ok lang sa 'king magkasakit basta maganda ako!
***
Yehey! Bukas na ang outing namin kasama ang classmates noong high school. Medyo gulat ako sa text na ito na nabasa ko pagkagising kaninang alas-nuwebe. Suggestions pala ni Rus para sa baong pagkain.

Sent: 2:17am...grabeh!
Mary, 'di ako sure kung makakasama pa ako sa 10am meeting. Kung hindi nga talaga, maaari n'yo na lamang sundin ang mga sumusundo kong payo:
1) Bumili rin kayo ng Cali aside from beer. May mga tao rin namang sigurong gustong mag-enjoy pero ayaw tumungga.
2) Sa pagkain, 'wag kalimutang kumpletuhin ang food groups: gulay, karne, at pang-himagas.
3) Huwag kalimutan ang trash bag at tisyu.
4) Kung maiiwasan, huwag nang bumili ng mamantikang pagkain dahil madali itong mapapanis.
5) Dalhin mo na ang libro ko at ang transcript ng Bayantel TVC sa November 3.
Salamat. =)
***
Para sa outing, kailangan ng uling. Alam n'yo ba na ang uling ay nakakaalis ng baho sa bahay? Magtumpok sa mga sulok. Huwag lang iipit sa kili-kili dahil naalis nga ang baho, umitim naman ito. At tandaan: Kapag nagamit na ang uling para higupin ang baho sa CR, huwag na itong gamitin sa pagluluto. Huwag mo ring gagamitin ang brush mo sa Fine Arts para pahiran ng sauce ang barbecue.
***
Balak daw ng isa naming kasama na magpuslit ng hard drinks sa resort gamit ang bote ng Absolute. Kapag nasita kami ng namamahala ng "O bakit nalasing 'yan nang ganyan? Bawal dito ah!" sasagutin lang ng "Nagbibiro lang po 'yan..."