Saturday, November 26, 2005

Job Fair?


Ang abilidad nga naman ng Pinoy, kahanga-hanga. Napaka-malikhain natin pagdating sa pag-iisip ng mapagkakakitaan! Aba'y maglibot ka lamang sa Cubao at hindi pa sapat ang pagkamangha mo sa isang mall na siguro ay tindahan ng mga pataba sa lupa, palay, at pestisidyo... ang Farmer's Plaza.

Maglibot ka pa at matatanaw ang karatulang nagsasabing "Money Changer." Marahil, dadalhin mo rito ang iyong pera at BABAGUHIN niya. Gagawing peke? Hindi bale, may hardware naman sa 'di kalayuan. Nagbebenta sila ng money detector... madi-detect nito kung marami bang pera ang isang tao.

Kung napapagod ka na sa pagtahak ng lansangan, magtungo sa Foot Massage parlor. Marami kang pagpipiliang mga paa. Ang mga ito mismo ang magmamasahe sa iyo.