Katuwaan
Kanina, tinawagan ako ni Rus para mag-survey on virgin coconut oil. Rank the following sa pagpili ng pagkain:
_2_ high content of certain vitamins / minerals
_3_wide range of vitamins / benefits
_4_ weight loss benefits
_1_ beauty and skin care benefits
_5_ boost the immune system and help prevent illness
Read: Ok lang sa 'king magkasakit basta maganda ako!
***
Yehey! Bukas na ang outing namin kasama ang classmates noong high school. Medyo gulat ako sa text na ito na nabasa ko pagkagising kaninang alas-nuwebe. Suggestions pala ni Rus para sa baong pagkain.
Sent: 2:17am...grabeh!
Mary, 'di ako sure kung makakasama pa ako sa 10am meeting. Kung hindi nga talaga, maaari n'yo na lamang sundin ang mga sumusundo kong payo:
1) Bumili rin kayo ng Cali aside from beer. May mga tao rin namang sigurong gustong mag-enjoy pero ayaw tumungga.
2) Sa pagkain, 'wag kalimutang kumpletuhin ang food groups: gulay, karne, at pang-himagas.
3) Huwag kalimutan ang trash bag at tisyu.
4) Kung maiiwasan, huwag nang bumili ng mamantikang pagkain dahil madali itong mapapanis.
5) Dalhin mo na ang libro ko at ang transcript ng Bayantel TVC sa November 3.
Salamat. =)
***
Para sa outing, kailangan ng uling. Alam n'yo ba na ang uling ay nakakaalis ng baho sa bahay? Magtumpok sa mga sulok. Huwag lang iipit sa kili-kili dahil naalis nga ang baho, umitim naman ito. At tandaan: Kapag nagamit na ang uling para higupin ang baho sa CR, huwag na itong gamitin sa pagluluto. Huwag mo ring gagamitin ang brush mo sa Fine Arts para pahiran ng sauce ang barbecue.
***
Balak daw ng isa naming kasama na magpuslit ng hard drinks sa resort gamit ang bote ng Absolute. Kapag nasita kami ng namamahala ng "O bakit nalasing 'yan nang ganyan? Bawal dito ah!" sasagutin lang ng "Nagbibiro lang po 'yan..."

0 Comments:
Post a Comment
<< Home